Pilipinas, naghain ng protesta sa China dahil sa presensya ng mga barko nito sa Pag-Asa Island

Kinumpirma ng Malacañang na naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kaugnay sa umano’y presensiya ng nasa 600 Chinese vessels malapit sa Pag-Asa Island.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – tila may mali sa pananatili ng mga sasakyang pandagat ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

Malaking katanungan aniya kung anong ginagawa ng vessels na ito sa lugar na batay sa report ay ilang linggo nang namamalagi doon.


Kinumpirma ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na pawang mga mangingisdang Tsino ang nasa Pag-Asa Island.

Pero ayon kay Zhao, na hindi armado ang kanilang mga mangingisda sa nasabing isla.

Facebook Comments