Pilipinas, nakasungkit na ng 5 Gold, 2 Silver at 1 Bronze medal para sa 2019 SEA Games

Aabot na sa limang ginto, dalawang silver medals at isang bronze ang nasungkit ng Pilipinas ngayong araw para sa Southeast Asian (SEA) Games 2019 na nag-daos na ng opening ceremony kagabi.

Ang unang ginto ay nasungkit ni John “Rambo” Chicano na natapos ng isang oras, limampu at tatlong minuto at anim na segundo para sa kategoryang mens individual triathlon na ginanap sa Subic, Zambales.

Habang ang ikalawang ginto ay kinubra naman ni Agatha Wong na nakakuha ng kabuuang score na 9.67 para manaig laban sa siyam pang manlalaro sa kategoryang wushu na ginanap naman sa World Trade Center sa Pasay.


Nasungkit naman ni Kim Mangrobang ang ikatlong ginto sa kategoryang Elite Women’s Triathlon na ginanap din sa Subic, Zambales.

Samantala, ang pang-apat at panlimang ginto ay nakuha naman nina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen sa Single Dance Waltz at nina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla sa kategoryang Single Dance Tango.

Maliban sa tatlo, nakakuha naman ng tig-isang silver medal sina Kim Remolino para sa kategoryang Mens Individual Triathlon at si Kim Kilgroe para sa Elite Women’s Triathlon.

Habang ang isang bronze medal ay nasungkit ni Daniel Parantac sa kategoryang Men’s Taijiquan.

Sa ngayon, meron nang limang ginto, dalawang silver medal at isang bronze medal ang Pilipinas.

Facebook Comments