Pilipinas, nakiisa na rin sa panawagan ng International Court of Justice na resolbahin na sa mapayapang paraan ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine

Nagpaabot na rin ng suporta ang Pilipinas sa direktiba ng International Court of Justice na wakasan na ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa harap ito ng patuloy na pagkamatay ng mga sibilyan sa Ukraine sa gitna ng mga pambobomba ng Russia.

Sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ipinaabot ng Pilipinas ang panawagan nito sa Russia at Ukraine na resolbahin na sa mapayapang paraan ang kanilang hindi pagkaka-unawaan.


Ito ay para na rin sa interes ng rule of law at sa pananatili ng international peace and security.

Sa March 16,2022 Order ng International Court of Justice ng United Nations, inaatasan nito ang Russia na itigil na ang invasion sa Ukraine.

Ayon sa nasabing korte, wala rin silang nakitang ebidensya na susuporta sa akusadyon ng Russia hinggil sa sinasabing genocide o malawakang pagpatay ng Ukraine sa Russian-speakers sa silangang bahagi ng Ukraine.

Facebook Comments