Manila, Philippines – Nakitaan ng malaking pagbabago ng political analyst na si Prof. Ramon Casiple ang nakalipas na isang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa interview ng RMN kay Prof. Casiple – sinabi nitong hindi sapat ang isang taon para masabi ang resulta ng mga inilatag na pangako ng pangulo sa kanyang pag-upo nuong nakaraang taon.
Pero para sa kanya – magandang grado ang maibibigay niya sa pangulo bagaman may ilang porsyento na hindi pumapabor sa war on drugs ng pamahalaan ay suportado ng nakararami kampanya nito.
Ayon kay Casiple – positive seven (+7) ang ibibigay niyang grado kay Duterte dahil nakitaan niya ng mabilis na aksyon ang kasalukuyang administrasyon kumpara sa pamumuno ng nagdaang aquino administration.
Partikular na nakitaan ng aksyon ni Casiple ang pagtutok ng pangulo sa anti-drug campaign, independent foreign policy, peace negotiation, pagpapanatili ng matatag na ekonomiya ng bansa, social reform gaya ng freedom of information, endo o pagwawakas sa kontraktwalisasyon, reporma sa lupa at iba pa.
Pero sa panig naman ng numero unong kritiko ng Pangulong Duterte na si Senator Antonio Trillanes – bagsak ang isang taon pamumuno nito.
Palpak din para sa senador ang kampanya nito kontra droga dahil mas bumigat ang ilang problema ng bansa.
Sa July 24 magbibigay ng ikalawang State of the Nation Address o ulat sa bayan ang Pangulong Digong.