Pilipinas, nananatiling malaya sa kabila ng paghingi ng tulong sa ibang bansa

Tiniyak ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na nananatiling independent ang Pilipinas sa kabila ng paghingi nito ng tulong sa mga makapangyarihang bansa tulad ng China at United States.

Sinabi ni NHCP Commissioner Emmanuel Calairo na mayroon pa ring sariling pamahalaan ang bansa na hindi nadidiktahan ng iba pang mga bansa.

Sa kasalukuyang administrasyon, natatamasa ng bansa ang pinalakas na relasyon ng Pilipinas sa China sa kabila ng pag-angkin ng bansa sa mga isla sa ilalim ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.


Sa mensahe naman ni Calairo nitong araw ng kalayaan ay kinilala nito ang mga frontliner kung saan inihalintulad niya ang mga ito sa mga nagbuwis ng buhay para makamit ng bansa ang kalayaan ng bansa noong 1898.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay pinasalamatan din ang mga frontliner sa kanyang Independence Day message.

Facebook Comments