Nanguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia-Pacific Region na may pinakamataas na representation ng women leaders ayon sa pag-aaral ng career social networking platform na LinkedIn.
Lumalabas sa datos ng LinkedIn na 41% ng mga leadership positions sa Pilipinas ay hawak ng mga kababaihan.
Sinundan naman ito ng Singapore na nakapagtala ng 39%, New Zealand na may 33%, Australia na may 32% at India na 18%.
Sa kabila nito ay ipinunto ng LinkedIn na 26% na mas madalas mapromote ang mga kalalakihan sa Pilipinas kumpara sa kababaihan.
Ngunit kung pagbabatayan ang global data, 27% lamang ng kababaihan ang nasa Vice President level habang 25% ang nasa C-Suite o executive-level managers.
Kaya sinabi ng LinkedIn na dapat masiguro pa rin na magkaroon ng equal access ang mga kakabaihan sa mga ganitong klase ng oportunidad na pamahalaan ang mga mataas na posisyon sa isang kumpanya.