Aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program, tatanggapin hanggang July 29 – DepEd

1371

Tumatanggap pa rin ang Department of Education (DepEd) ng aplikasyon para sa Senior High School Voucher Program para sa School Year 2022-2023.

Ayon sa DepEd, maaaring gumawa ng online voucher application portal ang mga estudyante hanggang July 22 habang ang deadline naman ay itinakda sa July 29.

Layon ng SHS Voucher Program na matulungan ang mga estudyante at magulang na maipagpatuloy ng mga graduating Grade 10 students ang Senior High School level.


Nilinaw naman ng DepEd na libre ang aplikasyon para rito at maaaring makuha ng sinumang estudyante galing sa Pribado at Pampublikong paaralan maging ng mga nakapagtapos sa Alternative Learning System.

Facebook Comments