Pilipinas, nasa “critical risk” na ng COVID-19 – DOH

Nasa “critical risk” classification na ng COVID-19 ang Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa na pinaniniwalaang bunsod ng Omicron variant.

Sa Talk to the People address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ng kalihim na tumaas ng 690% ang seven-day average ng daily reported cases.


Pumalo rin sa 3,663 percent ang two-week growth rate ng bansa; positivity rate, 40.4% habang ang average daily attack rate (ADAR) ay nasa 10.47 na.

Ang ADAR ay tumutukoy sa bilang ng mga at-risk population na tinamaan ng virus sa isang specifis time period.

Pero paglilinaw ni Duque, mas mababa ang naitatalang severe at critical cases ngayon kung ikukumpara sa mga naitalang kaso noong peak ng September 2021.

Facebook Comments