Omicron, dominant COVID-19 variant na sa Pilipinas!

92

Pinalitan na ng Omicron ang Delta bilang dominant COVID-19 variant sa Pilipinas.

Ito ay base sa resulta ng pinakabagong genomic sequencing na isinagawa noong Enero 3.

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na mula sa 48 samples na isinailalim sa genome sequencing, 29 cases ang positibo sa Omicron habang 18 ang Delta cases.


Noong January 6, kabuuang 43 kaso na ng Omicron ang naitala ng DOH sa bansa.

Facebook Comments