Pilipinas, nasa emergency phase pa rin ng COVID-19 pandemic – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatili pa rin sa emergency phase ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas.

Sa kabila ito ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, patawid-tawid lang ang virus sa ating mga boarder at hindi tayo nakatitiyak na wala nang papasok na bagong variant ng COVID-19 sa bansa.


Gayunpaman, wala na aniyang pangangailangan na maghigpit pa sa COVID-19 policies gaya noong unang dalawang taon ng pandemya.

Kahapon, nakapagtala na lamang ang DOH ng 89 na bagong kaso ng virus na pinakamababa simula noong April 2020.

Pero sa projection ng OCTA Research Group, posibleng tumaas sa 100 hanggang 200 ang maitatalang bagong kaso ngayong araw.

Samantala, nasa 1.9% na lamang ang nationwide positivity rate o ang porsiyento ng nagpopositibo mula sa kabuuang bilang ng sumasalang sa COVID-19 tests.

Facebook Comments