Nasa gitna ng food security crisis ang Pilipinas dahil sa kakulangan ng supply ng baboy at manok.
Nabawasan ang hog population ng bansa dahil sa African Swine Fever (ASF) mula sa 12.8 million noong Enero 2020 sa 9.7 million nitong Enero 2021.
Ang imbentaryo para sa manok ay bumaba sa 53.27 million, pinakamababa sa 11 taon.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, ang farmgate price ng palay ay bumaba sa ₱16 kada kilo.
Ayon kay Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa, nararanasan na ng bansa ang pinagsasama-samang kamalian na hindi kayang resolbahin.
Dagdag pa ni Africa, ang mga hog raisers ay hindi magawang mabigyan ng subsidy.
Inaasahanan na rin ng United Broilers Association na magkakaroon ng shortage sa poultry supply.
Aminado si Agriculture Spokesperson Undersecretary Noel Reyes na mayroong under investment sa sektor ng agrikultura, ito ang nasa likod ng 10 billion pesos na outlay para sa rice farmers sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement Fund.
Sa supply ng baboy, inirekomenda ng DA ang importation at repopulation ng mga baboy.