Nasa ika-15 pwesto ang Pilipinas sa 63 na bansa na mayroong hindi pantay-pantay na sahod.
Ayon sa ulat ng World Bank, 1% sa mga Pilipinong kumikita ay nakakakuha ng 17% na kabuuang kita sa bansa, kung saan 14% sa kanilang kita ay mababa lang sa 50%.
Dagdag pa ng World Bank, isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng hindi pantay na oportunidad; nahihirapan na makapagtapos sa kolehiyo dahil sa kahirapan; hindi pantay-pantay na kalidad na edukasyon at iba pa.
Gayunpaman, sinabi naman ng World Bank na nagawa pa rin ng bansa na labanan ang kahirapan noong 1985 na 49.2% hanggang noong 2018 na 16.7%.
Facebook Comments