Ilang kalansay, nadiskubre sa construction site sa compound ng DOJ

77

Ilang kalansay ang natagpuan sa hinuhukay na bahagi ng compound ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura, Maynila.

Nadiskubre ang skeletal remains sa nagpapatuloy na excavation para sa itatayong gusali sa DOJ.

Sa ngayon ay sinusuri ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng mga opisyal ng DOJ ang isang bungo o skull na kasama ng mga labi.


Nagpapatuloy rin ang imbestigasyon at ipinauubaya na ng DOJ sa NBI forensic team ang pagsusuri sa mga nadiskubreng kalansay.

Kabilang dito ang pagdetermina sa dahilan ng pagkamatay ng mga biktimang nakalibing sa DOJ compound.

Facebook Comments