Manila, Philippines – Nakuha ng Pilipinas ang ika-72 pwesto sa world’s happiest country ngayong taon.
Ito ang inilabas na survey ng world happiness report 2017 na ginawa ng Sustainable Development Solution Network (SDSN).
Sa survey, naungusan ng Norway ang Denmark sa world’s happiest country.
Nasa huling puwesto naman ang Syria at Yemen sa kabuuang 155 na bansa na may pinakamasayang bansa.
Ayon kay Jeffrey Sachs, Director ng SDSN, ang mga masasayang bansa ay ang lugar kung saan mayroong healthy balance of prosperity kung saan mayroong mataas na degree ng tiwala sa society.
Pasok naman sa top 10 ang Denmark, Iceland, Switzerland, Finland, Netherlands, Canada, New Zealand, Australia at Sweden.
Facebook Comments