Idineklara ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa kalagitnaan ng Garbage Crisis ang Pilipinas.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, mawawalan lamang ng saysay ang mga ipinapatupad na Clean-Up Campaign kung patuloy na iresponsableng pagtatapon ng basura lalo na sa daluyan ng tubig.
Aniya, magdudusa at patuloy na poproblemahin ito ng mga susunod na henerasyon kung ngayon pa lamang ay hindi tatanggapin ang pagbabago.
Iginiit ng kalihim na dapat agad solusyonan ang problema sa Solid Waste.
Sa Metro Manila pa lamang, umaabot na sa higit 58,000 Cubic Meters ng basura ang nahakot ngayong taon.
Binanggit din ng DENR na ikatlo ang Pilipinas sa Highest Source ng Ocean Plastic Pollution.
Facebook Comments