Pilipinas, pang-walo sa 10 bansa sa ASEAN pagdating sa vaccine rollout

Nasa ikawalong pwesto ang Pilipinas mula sa 10 bansang sa Timong-Silangang Asya pagdating sa pagbabakuna sa buong populasyon at pangalawa naman pagdating sa vaccine deployment laban sa COVID-19.

Sa datos ng international think tank na Our World in Data ngayong buwan, lumalabas na ang Pilipinas ay nakapagbakuna ng nasa 4.23% ng kabuoang populasyon mula nitong June 8, na may 6.31 million doses ng COVID-19 vaccines na nagamit.

Nangungunang bansa ay ang Singapore na may 42.8%, kasunod ang Cambodia na may 16.72%, at Brunei na may 11.37%.


Sumunod ang Laos na may 9.74% ng populasyon.

Nakapagbakuna naman ang Malaysia ng 8.76% ng kanilang populasyon, kasunod ang Indonesia na may 7.19%.

Nasa ikapitong pwesto ang Thailand (5.94%), at ang nasa siyam at sampung pwesto ang Myanmar (3.26%) at Vietnam (1.40%).

Pagdating sa mga nagamit na bakuna, pumapangawala ang Pilipinas sa Indonesia, na nakapag-deploy na ng 31.2 million doses, sumunod sa Pilipinas ang Thailan na may 5.67 million, Cambodia (5.13 million), Singapore (4.39 million), Malaysia (4.1 million), Myanmar (2.99 million), Vietnam (1.41 million), Laos (1.08 million) at Brunei (61,000).

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na inaasahang tataas pa ang vaccination rate ng Pilipinas kapag nag-normal na ang supply ng bakuna sa bansa.

Facebook Comments