Monday, November 16, 2026

Pilipinas, pinalakas ang ugnayan sa Australia, South Korea at Japan sa serye ng bilateral meetings sa ASEAN Summit

Sinamantala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakataon sa 49th ASEAN Summit para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga partner countries sa pamamagitan ng serye ng bilateral meetings.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Australian Prime Minister Anthony Albanese, pinagtibay ng dalawang bansa ang kanilang commitment na palakasin ang kalakalan, pamumuhunan, clean energy, imprastraktura, edukasyon at maritime security.

Inanunsyo rin ni Albanese ang bagong cooperation package ng Australia at ASEAN na nakatuon sa digital transformation, economic growth at pagpapalakas ng AI safety standards sa Southeast Asia.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay South Korean President Lee Jae Myung, tinalakay ang usapin ang kalakalan, ekonomiya, critical minerals at pagtutulungan laban sa transnational crimes.

Naging bahagi rin ng serye ng bilateral meetings ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos Jr. kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.

Nakatuon ang pulong sa pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng Pilipinas at Japan.

Facebook Comments