
Pino-promote na rin sa South Korea ang Pilipinas bilang pangunahing retirement destination para sa retirees na Koryano.
Kabilang sa magandang option na inilalatag ngayon ng Philippine Retirement Authority (PRA) sa Korean retirees ang magandang klima, murang cost of living, mataas na kalidad ng healthcare, at ang magandang komunidad.
Una nang nagtungo sa Philippine Embassy sa South Korea ang mga opisyal ng PRA para sa pagplantsa sa naturang promosyon sa mga retiradong South Koreans.
Tiniyak naman ng embahada ang mag-promote sa mga benepisyo ng paninirahan sa Pilipinas ng mga retiradong Koryano.
Facebook Comments