
Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na bababa na ang kidnapping incident sa bansa kasunod ng pagbabawal ng POGO.
Sa Malacañang press briefing, iniulat ni PNP-Anti-kidnapping Group Director Col. Elmer Ragay na walong insidente ng kidnapping ang naitala ng PNP sa unang dalawang buwan ng 2025.
Mas mababa ito kumpara sa 32 kidnapping incident na naitala noong 2024.
Sa mga insidenteng ito, walo ang Chinese victims na mga dating kawani ng POGO.
Mula sa kabuuang bilang na 32, 17 dito ay naresolba na. Pito ang cleared na, habang walo ang sumasailalim pa sa imbestigasyon.
Nangangahulugan ito ng 75% solution efficiency ng kanilang hanay.
Para naman sa unang 46 na araw ng 2025, nakakita na rin ng 22% na pagbaba ng krimen sa sa NCR, kumpara sa kaparehong panahon noong 2024.