Nagpaabot na ng intensyon ang Pilipinas na sumali sa COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX Facility na layong mapabilis ang gawa at pamimigay ng bakuna sa bawat bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bilang lower middle income na bansa ang Pilipinas ay maaari itong sumali sa COVAX advance market.
Layunin nitong mapabilis ang development at distribution ng bakuna laban sa COVID-19 sa mundo.
Bukod dito, target din ng programa na makapagbigay ng dalawang bilyong doses ng bakuna sa katapusan ng 2021.
Naghahanda na ang Department of Science and Technology (DOST) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa gagawing Solidarity Trial ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Nasa 89 milyong piso ang inirekomendang budget ng DOST para sa operational cost sa 12 study sites para sa mga bakuna.
Ang WHO naman ang magbabayad sa test vaccines na gagamitin sa clinical trial sa bansa.