Presidential Spokesman Harry Roque, bumisita sa Boracay

50

Binisita ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Boracay Island na binuksan na para sa mga turista ngayong buwan.

Hinikayat ni Roque ang mga Pilipino na tumulong sa muling pagbuhay ng ekonomiya ng naturang isla.

Paliwanag niya, maraming residente sa Boracay ang nakadepende sa turismo para sa kanilang hanapbuhay at negosyo.

Sa kanyang Facebook account, makikita ang post ni Roque kung saan nakaupo siya sa aktwal na white sand beach.

Si Roque ay dumaan sa swab testing at kumuha ng QR code para sa contact tracing.

Samantala, hihikayatin ni Roque si Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang isla.

Facebook Comments