Posibleng maharap sa parusa ang Pilipinas kapag nanindigan pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi humarap sa International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng naging desisyon ng ICC na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa umano’y madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Loretta Rosales, dating Chair ng Commission on Human Rights, maraming paraang magagawa ang ICC at hindi laging makakatakas si Pangulong Duterte.
Kasabay nito, iginiit din ni Rosales ang obligasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya ng gobyerno na makipagtulungan sa ICC.
Facebook Comments