Manila, Philippines – Puwede pa rin magpadala ng koponan ang Pilipinas Asian Games kahit nagdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na huwag munang sumali ang bansa sa quadrennial games.
Ayon sa isang dating sports official, puwedeng mag-assemble ng koponan ang Philippine Olympic Committee (POC) para maiwasan pagmultahin at parusahan ang Pilipinas ng Olympic Council of Asia.
May kapangyarihan ang POC na bumuo ng koponan dahil nasa ilalim ng International Olympic Committee (IOC) ang Asian Games. Miyembro ng IOC ang POC.
Isa ang Pilipinas original na miyembro ng Far Eastern Games na siyang pinanggalingan ng Asian Games.
Una nang sinabi ng SBP na ipapadala ang koponan ng Rain or Shine Elasto Painters sa Asian Games pero agad binawi ito pagkalipas lamang ng ilang oras.