Pilipinas, sinusundan lang ang ibang bansa sa Southeast Asia sa pagsulong ng muling pagbuhay ng parusang kamatayan ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinusundan lang ng Pilipinas ang ibang bansa sa Southeast Asia sa pagsulong nito sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.

Gusto rin ng Pangulo na ibaba ang age of criminal responsibility dahil aniya ang kasalukuyang juvenile justice law ay naging dahilan para lumala ang kaso ng kriminalidad sa mga kabataan.

Dito na binatikos ng Pangulo ang batas na akda ni Senator Francis Pangilinan.


Nauna nang inaprubahan sa kamara ang parusang kamatayan habang hindi pa tiyak sa ngayon ang kahihinatnan nito sa senado.

Matatandaang pinawalang bisa ng Pilipinas ang parusang kamatayan noong 2006 at pinagtibay ng second optional protocol sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) na layong mapawalang bisa ang death penalty sa buong mundo.

DZXL558

Facebook Comments