Pilipinas, wala na sa top 20 ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19

Wala na ang Pilipinas sa top 20 na bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa tala ng John Hopkins University, naungusan na ng Ukraine ang Pilipinas sa ika-20 pwesto na mayroong 381,664 na kaso.

Habang nasa 376,935 naman ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 329,848 na rito ang gumaling at 7,147 ang nasawi base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon.


Samantala, umabot na ngayon sa higit 44.5 million ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo at nangunguna pa rin dito ang Estados Unidos na mayroong 8,858,089 na confirmed cases.

Facebook Comments