Monday, March 16, 2026

Pilipinas,pinag-aaralan din ang pag-import ng langis sa mga karatig-bansa sa Asya

Pinag-aaralan na rin ng Pilipinas ang pag-import ng langis sa mga karatig-bansa sa Asya.

Partikular sa China, Japan, Singapore, Thailand at South Korea.

Ayon kay Energy Seretary Sharon Garin, dati pa namang nag-iimport ang Pilipinas sa China kaya tiyak aniyang hindi na mahihirapan ang Pilipinas na makipag-usap sa Tsina.

Sinabi ni Garin na nakikipag-usap na ang Philippine National Oil Company (PNOC) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naturang mga bansa para sa pag-import ng langis.

Una nang inanunsyo ng DOE na posible ring kumuha na rin ng supply ng langis ang Pilipinas sa Russia.

Facebook Comments