Pilot implementation ng mga motorcycle hailing services, hindi na palalawigin

Hindi na palalawigin ng Inter-Agency Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) ang pilot implementation ng motorcycle hailing services.

Ito ay matapos palawigin ng TWG ang pilot run ng operation ng Angkas, maging ang bagong players na ‘Joyride’ at ‘Move It’ hanggang Marso 23, 2020.

Ayon kay LTFRB Board Member Antonio Gardiola Jr. – kapag napaso ang pilot implementation, hindi na sila papahintulutang pumasada.


Aniya, kailangan nilang hintayin na maamyendahan ng Kongreso ang mga kasalukuyang batas upang payagan ang kanilang operasyon.

Partikular ang Republic Act no. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Tiniyak ni Gardiola na maglalabas sila ng conclusive study kaugnay sa paggamit ng motorsiklo bilang public transportation.

Facebook Comments