PNP naglabas ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok

Inilabas muli ng Philippine National Police (PNP) Explosives Management Division ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok.

Kabilang na rito ang mga sumusunod:

  • Watusi
  • Piccolo
  • Poppop
  • Five Star
  • Pla-Pla
  • Lolo Thunder
  • Giant Bawang
  • Giant Whistlebomb
  • Atomic Bomb
  • Atomic Triangle
  • Judas Belt
  • Goodbye De Lima, at iba pa
  • Hello Columbia, at iba pa

Ayon kay PNP-Explosives Division Chief, Lt/Col. Kim Cobre – bagamat palaging napapalitan ang mga pangalan ng mga ipinagbabawal na paputok, mayroon silang criteria kapag ang paputok ay ilegal.

Umapela naman si Health Undersecretary Eric Domingo – na iwasan nang gumamit ng paputok.

Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 19 ang sugatan dahil sa paputok, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 28 na naglilimita sa paggamit ng paputok.

Facebook Comments