Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapatupad ng pilot-testing
ng food stamp program para sa isang milyong mga mahihirap na Pilipino.
Ito ang inanunsyo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang.
Sa lalong madaling panahon ayon kay Gatchalian ay sisimulan ang food stamp program matapos makatanggap ng tulong mula sa Asian Development Bank (ADP), JICA at French Development Agency (FDA).
Ayon kay Secretary Gatchalian, tatlong milyong dolyar ang natanggap na ayuda ng gobyerno mula sa mga ito.
Ang halagang ito ay gagamitin sa anim na buwang food stamp program
Ayon naman kay Department of Health Secretary Teodoro Herbosa, magiging tungkulin nila sa programang ito ay matiyak na masustansya ang pagkain na ipamamimigay.
Lumalabas kasi aniya ang pag-aaral na 21.6% ng zero hanggang 23 months na mga sanggol ay mga bansot.
Habang 28.7% ay mga kabataan may edad limang taon gulang pababa ay bansot.
Ayon kay Herbosa target nila kahit kalahati sa porsyentong ito ng mga bansot ay mabawasan ng kalahati.
Binigyang diin naman ni Secretary Gatchalian na ang problema sa malnutrisyon ay hindi lang problema ng ilang ahensya ng gobyerno sa halip ito masosolusyunan sa pamamagitan ng whole government approach.