PINAALIS | Mobile ng barangay hall na halos nasa gitna na ng kalsada sa Paco, Maynila – pinalilipat ng lokasyon ng MMDA

Manila, Philippines – Bukod sa mga illegally-parked vehicles sa Paco, Maynila, nasita rin ng MMDA-sidewalk clearing operations group ang mobile barangay hall ng barangay 808 na halos nasa gitna na ng kalsada.

Paliwanag ni barangay Chairman Erlinda Rosales – mayroon nang budget na 2.5 million para sa pagpapatayo ng permanenteng barangay hall pero maraming residente umano ang tumututol dito.

Lalo pang uminit ang tensyon nang sumabat sa pag-uusap nina Rosales at ng mga tauhan ng MMDA ang isang residente na si Aida Quintana.


Ayon kay MMDA-SCOG Head Bong Nebrija – isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang hotline at inireklamo ang nakaharang na barangay hall.

Naiintindihan naman daw nila ang mandato ng barangay na makapagsilbi sa mga residente nito pero kailangan pa rin daw nilang humanap ng tamang lugar para sa kanilang barangay hall.
Ayaw kasi nitong pumayag na sa bakanteng puwesto sa tabi ng kanyang tinadahan ilipat ang mobile barangay hall.

Para mapahupa ang tensyon isang kapitan sa katabing barangay ang nag-alok na lang na pansamantalang ilagay muna sa bakanteng lote sa dulo ang mobile barangay hall.

Facebook Comments