Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may kakulangan sa supply ng bangus.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, kahit nangyari ang pagkamatay ng libo-libong bangus dahil sa mga pag-uulan, may iba pa ring lugar na mapagkukuhanan ng bangus.
Sabi pa ni Gongona, kaya tumaas ang presyo ng bangus ay dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng galunggong.
Samantala, inaasahang dadating na ngayong Setyembre sa merkado ang mga inangkat na galunggong.
Facebook Comments