TAAS PRESYO | Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng oil price hike ngayong araw

47

Manila, Philippines – Magpapatupad ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw.

Epektibo alas-6 ngayong umaga, ipapatupad ng Total, Eastern Petroleum, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines, Sea Oil at Flying V ang P1.20 dagdag sa kada litro ng diesel habang P0.95 naman sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ring P0.95 dagdag sa kada litro ng din kerosene ang Sea Oil at Flying V.

Ang oil price hike ay bunsod ng presyuhan sa world market.

Facebook Comments