PINADALHAN | Batanes, binuhusan pa ng suplay ng bigas

Batanes – Nagpadala na ng dagdag na suplay ng bigas ang National Food Authority sa lalawigan ng Batanes upang tugunan ang nangyayaring sobrang pagtataas ng presyo ng bigas sa lalawigan.

Ibinagsak na sa Basco port ang nasa 3,000 na sako ng bigas bilang karagdagan sa 3,261 na sako ng bigas na sapat na magtagal ng isang buwan.

May 5,000 bags pa ng bigas ang dadalhin sa Batanes sa susunod na linggo para matiyak ang katatagan ng suplay ng NFA rice roon.


Binuhusan ng NFA ng NFA rice ang lalawigan kasunod ng napaulat na pumalo na sa 68 pesos ang kada kilo ng bigas doon.

Ang Batanes ay priyoridad ng gobyerno sa distribusyon ng NFA rice dahil malimit na naihihiwalay ang lalawigan tuwing sinasalanta ito ng malalakas na bagyo.

Facebook Comments