ASIAN GAMES | Boxer Rogen Ladon, sure silver na

Pinakain ng suntok ni Rogen Ladon ang kalaban nito mula sa Thailand para makapasok sa finals ng flyweight division ng boxing competitions ng 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Nanalo si Ladon via unanimous decision kontra kay Yuttapong Tongdee para makasiguro ng isa pang medalyang pilak para sa Pilipinas.

Ito rin ang unang medalya ng boxing team sa Asiad.


Pipilitin naman nina Carlo Paalam at Felix Eumir Marcial na masundan ang yapak ni Ladon sa finals sa kanilang laban mamayang gabi.

Makakaharap ni Paalam si Amit ng India sa light flyweight mamayang 7.15 habang makakabakbakan naman ni Marcial si Israil Madrinov ng Uzbekistan mamayang 8.45 ng gabi sa middleweight semifinals.

Facebook Comments