Manila, Philippines – Bubuksan muli ng Commission on Elections (COMELEC) ang satellite registrations sa mga mall para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs) at mga buntis.
Ayon sa poll body, maaari na ulit silang magparehistro sa mga mall para sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019.
Alinsunod sa Resolution No. 10417, muling ibinalik ang mall satellite registration activities sa buong bansa.
Sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez, comfortability at convenience ang nais nilang maihatid sa mga senior at may kapansanan.
Kaugnay nito, maglalaan din ang COMELEC ng express lane para sa matatanda, may kapansanan at buntis sa nasabing mga aktibidad.
Hanggang Setyembre 29 na lang tatagal ang voters’ registration.
Facebook Comments