Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Health ang patuloy na pagmo-monitor sa mahigit pitong daang libong (700,000) mga kabataan na nabakunahan ng Dengvaxia.
Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, mayron nang hawak na listahan ang kanilang central at regional offices at Department of Education ng mga batang magiging batayan ng kanilang pagmo-monitor.
Aniya, pinag-aaralan na rin nila ang ilang mga kaso ng mga batang nagkasakit matapos bakunahan ng Dengvaxia at ang pagkamatay ng ilan sa mga ito.
Bagama’t nagpulong na ang DOH at Sanofi Pasteur, sinabi ni Bayugo na hindi pa napag-usapan kung sasagutin ng kumpanya ang pagpapa-ospital at pagpapagamot sa mga batang magkakasakit matapos mabakunahan.
Facebook Comments