Kasunod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Gaza, naka-antabay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon at kalagayan ng ating mga kababayan doon.
Nabatid na nagpatupad ng ceasefire sa nasabing lugar Martes ng gabi.
Sa ngayon nasa ligtas na kalagayan ang nasa 109 members ng Filipino community sa Gaza at hindi naman naapektuhan sa gulo at bakbakan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants.
Kasunod nito patuloy ang ugnayan ni Ambassador to Jordan Akmad Atlah Sakkam sa Filipino community sa Gaza at pinayuhan ang mga ito na maging vigilante at umiwas muna sa mga matataong lugar.
Sa pinakahuling ulat umaabot na sa 32 ang casualties.
Facebook Comments