PINAG-IINGAT | FDA nagpaalala sa mga mahilig uminom ng alak

Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko lalo na yung mahilig uminom na magdahan-dahan sa pag-inom ng alak.

Ito ay makaraang mapaulat na ilang katao ang nasawi matapos uminom ng lambanog.

Ayon sa FDA dapat siguraduhing rehistrado sa ahensya ang lambanog o anumang alak na iinumin.


Sa nasabing insidente, nabatid na mataas ang methanol content ng lambanog dahilan para masawi ang ilang manginginom.

Ang mga retail outlets ay binabalaan ng FDA sa pagbebenta ng mga unregistered products dahil posible silang maharap sa paglabag sa FDA Act of 2009 o Food Safety Act of 2013.

Lahat ng LGUs at Law Enforcement Agencies ay pinapayuhan ng ahensya na manmanan at hulihin ang mga nagbebenta ng hindi rehistradong mga alak.

Facebook Comments