PINAG-IINGAT | Mga kolurom na sasakyan pandagat dapat iwasan ng mga pasahero ngayon Semana Santa – PCG

Manila, Philippines – Hinimok ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na iwasan ang mga sasakyang pandagat na hindi otorisadong maglayag o walang kaukulang mga dokumento dahil inaasahan ng maraming mga pasahero ang dadagsa sa mga pantalan upang magsisipag uwian ngayon Semana Santa.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo pinaalalahanan nito ang lahat ng mga pasahero na tiyaking hindi kolorum ang mga sasakyang pandagat na kanilang aarkilahing partikular ang mga motor bangka na kadalasang ginagamit sa pamamasyal sa mga beach resort.

Dagdag pa ni Balilo na tiyaking may permit galing sa PCG at may mga life jacket bago sumakay sa mga sasakyan pandagat at dapat ding alamin ang mga puwedeng matawagan sakaling may problema upang matugunan agad sakaling nangangailangan sila ng tulong.


Inabisuhan na rin ni Balilo ang lahat ng Coast Guard Commander na higpitan ang pagbabantay sa mga pantalan, mga beach resort na inaasahang dadagsahin ngayon Semana Santa.

Paliwanag ni Balilo, na dapat mag-ingat ang publiko sa pagpili sa mga sasakyang pandagat dahil kapag kolorum ang kanilang sinasakyang motor banca ay wala silang makukuhang benipisyo sakaling madisgrasya o maaksidente ang kanilang sinasakyan.

Facebook Comments