PINAGBABARIL | Apat patay, kabilang ang dalawang tauhan ng BJMP sa insidente ng pamamaril sa Muntinlupa City

Manila, Philippines – Patay ang apat na tao kabilang ang dalawang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa insidente ng pamamaril sa Muntinlupa City.
Idineklarang patay sa Medical Center Muntinlupa ang mga bitkimang sina JO1 Felino Salazar At JO2 Elmer Malibdao.
Naganap ang insidente malapit sa Muntinlupa City Jail sa Barangay Tunasan kung saan pinagbabairl ang dalawang biktima ng riding in tandem.
Nabaril naman ng mga rumespondeng tauhan ng BJMP ang mga suspek kung saan isa sa kanila ay dead on the spot habang ang isa ay nasawi sa ospital ng Muntinlupa.
Hindi pa alam kung ano ang motibo sa pamamaril pero isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Prison Guard 1 Dee Jay Tanael ang hawak ngayon ng mga otoridad dahil itinuturing siyang person of interest makaraang makita sa crime scene na may bitbit na baril.

Facebook Comments