Manila, Philippines – Pinagbibitiw ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles si NFA Administrator Jason Aquino.
Ito ay kaugnay sa problema sa bigas na hindi malutas-lutas ng ahensya.
Aniya, bumibigat lalo ang problema sa bigas matapos ang mga natukalasang bukbok na bigas na sinabayan pa ng pagtaas lalo ng presyo nito sa Mindanao.
Personal umanong nag-ikot si Nograles sa pamilihan sa Mindanao at nadiskubre niya ang mataas na presyo ng bigas sa Cagayan de Oro dahil binawasan ng NFA ang suplay doon para ipadala sa Region 9 upang tugunan ang rice crisis sa Zamboanga Peninsula.
Ang mga retailers na rin mismo ang nagsabi na ang dating isang daang sako ng bigas ng NFA kada linggo ay dalawampung limang sako na lamang ang naipapamahagi.
Giit ni Nograles, domino effect na ito ng kakulangan ng aksiyon ng NFA kaya kailangan nang mag-double time sa aksiyon o kaya ay akuin ni Aquino ang responsibilidad at magbitiw na lamang.