PINAGHAHANAP | Pinay na nawawala matapos tumama ang 6.4 na lindol sa Hualien, Taiwan, nakilala na

Hualien, Taiwan – Nakilala na ang Pinay na nawawala matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Hualien, Taiwan.

Ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), ang nawawalang OFW ay si Melody Albano De Castro na taga-Ilocos.

Ipinaalam na sa pamilya ng OFW na patuloy pa rin itong pinaghahanap.


Sinubukan nang tawagan ang cellphone nito pero hindi sumasagot.

Facebook Comments