Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalaang drug pusher matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng navotas police sa Barangay Nbbn, Navotas City.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na si Marcos Ramizez.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya kagabing alas 7:30 nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga awtoridad sa Baron Street, Brgy. North Bay Blvd. North , Navotas City.
Pero pagpapasok pa lamang ng mga operatiba ng Navotas PNP ay agad na pinaputukan ng suspek ang mga pulis kaya’t gumanti rin ng putok ang mga ito na nagresulta na agarang kamatayan ng suspek.
Napag-alaman pa na si Ramirez ay mayroong nakabinbin na kaso na may kinalaman sa iligal na droga at robbery.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre 38 pistol.