Pinaghihinalaang Pusher nanlaban-patay sa P. Reyes Ext., Brgy. Taft, Surigao City. Kinilala ang suspek na si Adrian Espanto alias Libat. Ito’y nakatamo ng 3 tama ng baril sa dibdib na naging dahilan sa kamatayan nito. Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng RMN, isang pulis ang nagpanggap na buyer ng illegal na droga kay Espanto ngunit nagduda ito at kinalabit ang .38 ng baril ngunit hindi ito pumutok. Doon na gumanti ang pulis at pinaputukan ang suspek, dead on the spot kaagad. Nakuha sa kamay ni Espanto ang 12 sachet ng pinaghihinalaang shabu, kalibre .38 ng baril at P500 bill.
Facebook Comments