Pinaghihinalaang UK variant COVID-19 Positive, Pinasinungalingan

Cauayan City, Isabela- Itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Aritao sa Nueva Vizcaya na residente nila ang Pinay OFW na nakitaan ng bagong variant ng COVID-19 na umuwi sa Cagayan Valley mula sa Hongkong.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Mayor Remelina Peros-Galam ng Aritao, imposible umano na residente nila ang pinaghihinalaang OFW dahil negatibo naman ang resulta ng swab test nito.

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na isang 30-anyos na Pinay OFW na umuwi sa Cagayan Valley ang nagpositibo sa UK variant ng virus.


Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang contact tracing ng Regional Epidemiology sa posibleng nakasalamuha ng pasyente habang naka-isolate na ang Pinay OFW sa Hongkong.

Paalala naman ng DOH sa publiko na ugaliing sumunod sa health protocol upang maiwasan ang pagkakaroon ng bagong variant ng COVID-19.

Facebook Comments