Tuesday, February 10, 2026

Pinagkagastusan ng travel tax, planong silipin ng Kamara

Target ng House Committee on Toursim na silipin ang mga pinakagastusan ng travel tax na umaabot sa apat hanggang limang bilyong piso kada taon.

Ayon kay Palawan Rep. Gil Acosta, Vice chairman ng komite, target nilang matukoy kung paano ginagamit ang nakokolektang travel tax at kung nakatutulong na ito sa tourism development sa mga lalawigan sa buong bansa.

Kapansin-pansin para kay Acosta na hanggang ngayon ay limitado pa rin ang tourism infrastructure o mga pasilidad na naitayo ng gobyerno para mapalakas ang turismo sa bawat probinsya lalo na sa mga lugar na dinadayo ng mga turismo.

Ang nabanggit na hakbang ay kasunod ng panukalang batas na inihain ni House Majority Leader Sandro Marcos na buwagin na ang travel tax dahil dagdag pahirap ito sa mga Pilipinong pasahero ng eroplano.

Ang nakokolektang travel tax ay inilaan sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, Commission on Higher Education (CHED), at cultural sector.

Facebook Comments