Monday, November 9, 2026

Pinagmulan ng perang ginamit ni VP Duterte sa biyahe sa Hong Kong, dapat ipaliwanag

Hinamon ni House Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan na ipaliwanag kung saan nagmula ang salaping ginastos ni Vice President Sara Duterte sa byahe nito sa Hong Kong nitong November 6 hanggang 8.

Pahayag ito ni Kapunan matapos maglabas ng abiso ang Office of the Vice President (OVP) na sariling pera ni VP Sara at hindi pondo ng gobyerno ang kanyang gagamitin sa nabanggit na biyahe.

Punto ni Kapunan, hindi tugma ang halaga ng sweldo ng isang bise presidente sa dalas ng pagbiyahe ni VP Sara sa abroad gamit ang kaniyang personal na pera.

Sabi ni Kapunan ang magiging sagot ni VP Sara ay dapat nakabatay sa records na nakahain sa impeachment court hinggil sa alegasyon na mayroon itong hindi maipaliwanag na yaman.

Puna ni Kapunan, matapang lang si VP Sara na sa salita pero duwag ito sa pagharap sa katotohanan.

Facebook Comments