Monday, November 9, 2026

๐Ÿฐ๐Ÿฎ-๐—”๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ฌ-๐—•๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

ILAGAN CITY, ISABELA โ€“ Arestado ang isang 42-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Arusip, Ilagan City, Isabela, noong ika-pito ng Nobyembre.

Kinilala ang suspek na si alyasโ€œMark,โ€ isang loader operator at residente ng Barangay Alinguigan 2nd, Ilagan City.

Batay sa ulat ng Ilagan Component City Police Station, naaresto ang suspek matapos umanong magbenta ng isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa halagang โ‚ฑ2,000 sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 0.44 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng โ‚ฑ2,992 batay sa standard drug price, gayundin ang buy-bust money, cellphone, wallet, pera, aluminum foil at isang motorsiklo .

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag hinggil sa ilegal na droga.

Facebook Comments