Manila, Philippines – Pinagkokomento na ng Supreme Court ang respondents sa consolidated petitions na kumukwestyon sa ligalidad ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court o ICC.
Binigyan ng SC ng sampung araw ang respondents para mag-komento sa petition ng Philippine International Coalition for the International Criminal Court at ng anim na opposition Senators.
Tumatayong respondents sa kaso sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, Executive Sec. Salvador Medialdea, Philippine Permanent Representative to the United Nations Teodoro Locsin at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Mula sa orihinal na schedule ng oral arguments na July 24, iniurong ito ng SC sa August 7, 2018 dakong alas-2 ng hapon.
Obligado ring dumalo ang mga abogado ng mga petitioner at ng respondents sa gagawing preliminary conference sa July 31, 2018 dakong alas-dos ng hapon sa Korte Suprema.