Cauayan City, Isabela- Tinaga ng suspek ang isang empleyado ng gobyerno ng makailang beses subalit naiwasan niya ito sa pamamagitan ng pagsalag gamit ang upuan bandang 8:30 kagabi sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Brgy. San Juan, Sta. Praxedes, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Matias Bumagat, 54-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Cadcadir West, Claveria habang nakilala ang suspek na si Roberto Fabros, 66-anyos, at residente ng Brgy. San Juan, Sta. Praxedes sa nasabing lalawigan.
Ayon sa imbestigasyon ni PSSg. Christopher Duque, imbestigador sa kaso, lasing ang suspek ng magtungo ito sa lugar dala-dala ang gamit sa pananaga (bolo) at agad na kinompronta ng suspek ang biktima.
Lumabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya, tumakas ang biktima sa lugar nang magkaroon ito ng pagkakataon kahit na hinabol ito ng suspek.
Nabatid na nag-ugat ang pananaga ng suspek matapos mabatid na di umano’y may relasyon ang biktima at asawa ng suspek habang nakuha naman ng mga awtoridad sa suspek ang itak (bolo) na ginamit nito sa nangyaring insidente
Sinampahan na ng kasong Attempted Murder at paglabag sa RA 11332 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Sta. Praxedes Police Station.